
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
SubIC tRiP!!
sábado, abril 07, 2007

So NagpUnta Nga Kami Ng SUbIC.. Eto ang DetAilEd pagkekwento!
DAY 1(maundy thursday):
Umalis kami dito sa bahay ng mga 4 oklak, dpat 3 eh hindi kami nagising kaya four na lang, pag punta namin sa kanto kung san kami sasakay papuntang Olonggapo, ang daming tao! tapos dumating yung bus na pang olonggapo, puro nakatayo na yung mga tao, eh mag fa-5 oklak na, so tinawag ng daddy ko yung tito ko para ihatid kami sa terminal sa cavite city, edi hinatid na nga kami, nakaalis kami nga 530, hehe. so sa gitna ng biyahe, ang dami ng nakatayo, aba, dba nagpramis ako? babawiin ko na!!! yung bbae kasi dun pinapupo ko sa upuan namin ni jas, kasya kasi ang tatlo doon, aba! kinanya ang upuan1 kaya binabawi ko na pramis ko! nakarating kaming olonggapo mga 11 na, prang hindi holy week! hehe, mga 3, pumunta na kami ng subic safari! hindi man lang ako pinag-shower kaya mejo inis aq pero ok lang! edi punta kami zoobic safari.
*ngayon ko lang nalaman na hindi pala part ng olonggapo ang subic, ang subic at olonggapo eh part ng ZAMBALES!!! :P

**antay-antay para sa tiger-safari ride!

**picture muna!

**hindi yan animals sa zoobic safari!

**aba si manong! instant picture! :P

**up close with the alligators!

**ayan ang mga buwaya!
**sumakay kami sa tiger-safari ride kaya lang hindi nakuhanan ng dad ko ng pic, pupugak-pugak kasi yung camera! peor maganda!
after nun, pumunta kaming royale, basta yung parang grocery sa loob ng base! hehe.
Day 2(good friday):
wala sa bahay lang kami, wala kasi kaming sasakyan, hinatid kasi ng tito ko yung pamangkin niya sa airport, hapon sila dumating, kaya napagpasyahan namin na mag bisita0iglesia na lang sa gabi, bumaba rin pala yung tita ko galing sa bahay nila sa bundok. tambay lang sa bahay hanggang mag-gabi na, bisita iglesia kami kaya lang thursday pala dapat yun, kaya pumunta na lang kami ng boardwalk(parang bay-walk dito pero mas maganda dun kasi hindi masyadong commercialized! puro casino!) para magkape pero nakakita kami ng mga taong nagsestation of the cross eh nasa station2 palang kaya sumama na kami, tapos nun! uwi na! hindi na rin kami nakapagkape!
Day 3(black saturday):
ang plano eh 8 ng umaga, magbibeach! tapos 3 ng hapon uwi na! eh napurnada! late na kami nakagising! kaya 3 na kami nagbeach! hehe! so nag beach nga kami, ang itim ng sand pero ok lang! ang daming tao!! ung bakit maitim ang sand eh dahil s amalapit na pagawaan ng barko pero hindi naman sha harmful, nakagawa nga ako ng sand castle eh! ang ganda kasi nung sand! parang mud!

**magpipinsan!

**pose muna!

*hindi ako nagmiming dahil marami ngang tao!

**eto si aaron, napaka silent! napaka harmless! ang kyut niya! lalo na pag kumanta na sya ng "i lab yu, yu wab me! we are happy famiwy! with a gweat! big house! ehrr.. uhmm.. would you say you love me too?" ang kyut tlga!
after ng beach! uwi na kami(hindi pa sa cavite), umuwi kami sa cavite mga 3 ng umaga ate eto! dumating kami mga 7! enjoy tlga! hehe!
next stop: baguio or bataan! unsure pa!
Etiquetas: bakasyon grande