
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
anung trabaho mo?
sábado, agosto 04, 2007

simula nung bata pa ako. ang dami ko nang trabaho na ginusto.
chempre... bata eh...
nung una, gusto ko maging abugado, kasi maraming tao nagsasabing pilosopo ako, akala ko pagiging pilosopo lang ang kailangan para maging isang abugado. hindi pala. mahirap pala maging isang abugado.
nung nadown ako dhil hindi nga ako pwede maging abugado, maging doktor naman ang pinutakte ko, pero narealize ko rin na hindi pala ako pwede maging doktor dahil maarte ko, baka puro yukk ang marinig nila sa akin.
nung mga panahong depressed ako dhil di rin ako pwede maging doktor, ginusto ko maging singer, dahil maraming taong nagsasabing magaling daw ako kumanta. pero habang lumalake, narealize ko, puta! true friends ko nga yung mga taong nagsasabi nun, ayaw nila ako mahurt, hindi naman pala talaga kasi ako magaling kumanta.
nung narealize ko nga na hindi pala ako pede maging singer, ginusto ko maging artista, mei itsura naman daw ako at magaling rin akong umarte...
"(dapa, at iyak effect sa lapag) inay-inay... bakit moko iniwan?"edi nakuntento ako sa pagiging artista for some years, pero narealize ko, wala pala akong future dun dhil marami akong kakompitensya at lahat nga ng talent search shows eh di qualified ang age ko, dahil sa anking kong pagkacrative at hilig sa pagkaen na natututunan sa HE class nung elementary(katulad ng pastilyas, graham cake. etc.), eh puring-puri ako ng mga kamaganak namin sa likas kong galing na gumawa ng graham cake(lahat nmn ng graham cake masarap dhil sa gatas) ayun, feel ko pang HRM ako. nut until 3rd year...
nung gumawa kame ng play... narealize ko hindi pala pangfood ang drama ko... magaling pala ako sumulat ng mga kung anu-anu... kaya ayun, balik ang pangarap ko sa pagiging artista, hindi sa harap ng camera ngunit sa ibabaw ng stage. nagumpisa rin akong mamulat sa mundong indie films. kaya ayun. gusto ko maging direktor.
pero ayan na. kailangan na namin pumili ng kursong dapat namin kuhanin, eh hindi nga ako pumasang UP para sa theater arts, so nadown ako... anu bang dapat kong kuhanin?
*tsanan!!! ADVERTISING ARTS!*
sa UST! :) ayun masaya na ako. narealize ko, ang dami ko palang opportunities pag isa akong advertiser, pwede akong;
event coordinator, creative director, advertiser, gopher(go for this go for that or kung bobo ka, dakilang utusan.), opisman, o simpleng tiga timpla ng kape. ang dami diba? huwag ka, yung unang nabanggit na apat eh ang sweldo, ranging from 10,000 - 400,000 dollars a month! huwaw! ang saya, tas sa field ng advertising onti lang ang kakumpitensya. huwaw naman! yayaman ako! maging advertiser ang tamang job para sa akin. part time na lang ang film making at modelling. :)
kaya ayun. narealize ko. tamang-tama pala ang pagiging advertiser sakin. lalo na't sa abroad pako magaaral nun. yihee!! konti na lang ang trabaho para maabot ko ang pangarap kong maging creative director ng dolce and gabbana(my ultimate job dream)... :)
"anung trabaho mo?""UGHH.... CREATIVE DIRECTOR NG DOLCE AND GABBANA...""anu un?""CREATIVE DIRECTOR... IN SHORT... TIGA CHECK NG PIPIRMAHAN NG PRESIDENTE... MAHABA PA RIN PALA YUN. BISE PRESIDENTE NALANG."o-ha! sosyal!! :)
Etiquetas: plano ko sa buhay