Ako po si Justin, ang liberal na bata na naghahanap ng
ligaya, kalayaan,respeto at pagmamahal.
Walang ipagmamalaking kahit ano..
Balang araw, gusto ko maging direktor, direktor na tatalakay sa mga isyu tungkol sa "sexualidad," "prostitusyon" at
"buhay kontrabida," dahil pag pinaguusapan na iyong mga bagay na iyon sa industriyang sinehan, makikita at makukuhanan
ko kung pano gumawa ng anak ang 2 taong nagmamahalan, hindi ba masaya iyon? pinagsabay na pera at kaligayahan? sobrang
liberal ako at wala ka nang magagawa doon. salamat.
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
Natry mo na bang magchat sa Yahoo Messenger? Isa ka ba sa mga taong umaasang magkakaroon ng kaibigan sa tootoong buhay(mei pekeng buhay ba?) sa pamamagitan ng YM(yahoo messenger)? Isa ka ba sa mga taong nagtatago sa mga nickname na patambay tambay sa mga channels nito at type ng type ng 2 walang kamatayang kataga na nagsasabing "hi" o hindi naman kaya "hello?" Isa ka ba sa mga nagsasabing c2c, im 18 m, pasig ng paulit ulit ngunit wala pa ring nakikipag usap sayo? o isa ka ba sa mga taong napeke ng mga lalakeng nagkukunwaring babae para mapagtripan ka ng barkada nila ngunit deep inside naaawa sya sayo dahil ang totoo, mei puso siyang mamon at gwapong gwapo siya sayo? isa ka ba sa mga taong napeke na dahil kinopya nila ang picture ng iba sa friendster at nagphotoshare pa kayo at sinasabi niyang "oo! ako yan!"
never ako nakaranas ng mga taong ganyan dahil matitino ang mga nakakausap ko dun. mapalalaki, babae, bakla, bi, les name it. maayos kausap. at pawang mayayaman. haay. ym ang mundo ko last summer, lalo na nung bakasyon, ito lang ang way ng pakikipaginteract ko sa mga tao. dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay. pero this summer, huh! alisin ang ym para makameet ng ibang tao sa bokabularyo, ginagamit ko lang ang ym ngayon para makatuklas ng bagong kultura lalo na ng mga tiga china! ewan, ang saya nila kausap, parang tayo, kung tutuusin mas hospitable pa sila satin. ayaw nila ng nawawalan ng topic. maayos, masya at hindi sila bastos kausap. masaya. ewan ko ba. bakit ang lakas ng hatak ng mga intsik sakin. hahaay. pero kayo. kung gusto niyo itry ang YM world, ayos lang, wag lang kayo makikisali dun sa mga taong cheap(teka, ang yabang ko.) basta, wag kayong makikipag usap sa mga taong halatang palinkera dahil wala kayong makukuha kundi puro away at away!
YM ko: dnt_h8_meh_coz_ahm_meh@yahoo.com
eto nga pala ang finished product ng isa sa mga shinooting namin!