
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
Mga lUgaR nA tAlAganG pInaKAmAMahal KO.
domingo, marzo 18, 2007

** I ReAllY mISs OuR DiGi Cam. sa ViDeo Cam Ko KASI Pang VIdeo LNG tlGa pagka camera na madilim. eh nasa dad ko yung camera.. kaya ayan tuloi. walang kabuhay buhay itong blog ko.. ah basta.. pagdating ng dad ko d ko na papadala sa kanya yung cam pra mashare ko sa inyo ang mga bagay bagay..
anyway. pumuta kasi kami sa manila pra magsimba at mei aasikasuhin ang mommy ko..
sana lang sa pagbabasa ninyo nito ay hindi kayo tamarin.. salamat at congrats sa makakatapos ng post na ito!
ayun.. sa pagpunta nga namin sa manila. nasiyahan ako.. ang dami ko kasing naalala..
ERMITAsa ermita church kasi kami nagsimba. dati, nung siguro mga 12 years old ako. kaming magpipinsan, ang saya saya namin pag pupunta at magsisimba kami sa ermita, kasi nga malapit ang robinson's dito, ang ibigsabihin ng robinson's sa amin ay pokemon action figures! yung maliliit, yung tig 100-150 yung isa. oi naka 20 rin kami nun! pero yung mga pinsan ko nakolekta ata nila lahat yun. kaya ayun. masaya talaga ako at nakita ko ngayon ang ermita pero in a different view.
dahil linggo, ang lungkot ng ermita, lalo na't umaga, eh diba pag sinabi mong ermita, malate, magkakalapit lang yan, ang ibig sabihin party! i really love malate(dat gives you a clue kung ano tlga ako.) kasi parang ang saya doon, wala silang iniintindi kundi saya! eh wala, ang lungkot ng ermita tlga kanina, prang lahat ng street dun eh empty. pero tuwa ako sa mass, kasi halo-halo, mei mga babaeng halatang prostitutes na kung magdasal eh parang madre, mei 2 lalakeng magkaakbay na halatang magsyota na kung magdasal eh parang magugunaw na ang mundo, nakaktuwa(clue ulit).
yan ang ermita. mahal ko tlga. lalo na yung 7-11 na katabi nung church! :P
SANTA CRUZat dahil wala nga kaming sasakyan, nagcommute kami chempre, eh dinadaanan namin tong santa cruz, para makapunta sa binondo, kumain muna kami sa KFC, ang tagal na ng mga fastfood doon, lalo na dati naalala ko pa, may iniyakan akong happy meal dahil dumaan kami sa sta cruz at kumain sa MCDO, eh ayaw ako ibili ng happy meal, mga 9 years old pa ako nun, wala pa kaming sasakyan. masaya sa santa cruz, naalala ko pa kanina na dun sa katabi ng KFC, dun kami bumili ng singsing ko nung graduation ko nung grade 6, courtesy of my lola sa mother side. mahal ko tlga ang santa cruz lalo na yung malaking gusali sa tapat ng santa cruz church, yung BPI ata yun na paiba iba sha ng establishment, sa gusali kasing iyon, sa tabi noon, mei bilihan ng mga aso, na sinasabi nung mga tindera, mei breed daw yung mga asong iyon, cross breed sa askal, niyahaha, pero halatang askal naman yun eh, di ako naniniwala na cross breed yun, asus, memorable sakin yung bilihan ng aso dun, kais dun namin binili sa snoopy aang 8 years old ko ng aso, ang tanda na. haay, sya lang ang aso naming tumanda ng ganun, next to marimar(na dun rin nmen binili) tas si morlock( ang dakila kong shi- tzu), tapos nung bilihan nung mga aso, mei tulay papuntang lawton, naaalala ko pa nuon nung wala pa kaming saskyan, sinusundo ako ng tito ko dito para ihatid sa manila, dun kasi ako nagbabakasyon, tapos lalakarin namin yung kahabaan ng tulay. masya sa sta cruz, ngunit mei ilang taong kukurot sa puso nio, yuing mga nagbebenta ng mga tiglilimang pisong nail cutter pero wala pa ring bumibili. kakaawa.
BINONDO mei bahay kami sa manila, manilena kasi mami ko. dito siya sa binondo lumaki kaya kalaahati ko tiga binondo rin, domineering, maangas, mayabang, gago, pero matalino.
mali ang impression nila sa binondo, kasi china town eh, sabi nila lahat daw ng bahay dito kailangan may negosyo, un ang totoo, pero ang mali, akala nila, lahat ng mga nasa binondo, mayaman, pero mali, kahit puro intsik dito(tuwa ako dhail puro intsik), mahirap pa rin ang binondo, maraming squatters, actually yung bahay namin dun malapit sa squatter, pero di kami squatter, ang angkan namin eh halos kilalang kilala dun dahil akala nila mayaman kami, pero hindi tlga. pero masaya dun, kasi parang kaming magpipinsan ang pinakagwapo at magaganda dun(ang yabang ko), ayon yan sa mga chismosang manicurista dun samin, ang swerte niya nga daw at kami ang pamilyang sineserbisyohan niya, ang ganda daw ng lahi namin. hahaha.. masaya sa binondo, hindi matatapos ang araw na walang nagaaway, pero hindi ata natatapos ang araw dito. kahit 3 na ng umaga, mei tao at nagiinuman pa rin sa kalye, kaya masaya dito, kahit magulo. pulis tito ko kaya never kaming ginulo ng mga tao dito.
yan ang tatlo sa mga lugar na pinakamamahal ko, masaya sa tatlong iyon, natutuwa ako na naging parte yung 3 iyon sa buhay ko. masaya talaga. sayang at wala akong camera para nakita niyo sana ang mga lugar na pinakamamahal ko. anyway.
congrats nga pala at natapos mo tong post na ito!Etiquetas: trip, what a journey it has been