
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
better get the party started!!
domingo, mayo 13, 2007

gawd! kahapon ang celebration ng birthday ni ate ferlyn, magkekwento ako ng detailed dahil minsan lang mangyari sa buhay ko ngayon ang makalabas ng bahay at magparty...
so nagkita kami ni rossann sa mcdo, medyo late na nga yun, mga 630 kami nakapagkita eh dapat before six andun na kami sa bahay nila rob, bwiset kasi na meeting de avance yun, mei karakol pang nalalaman, nakakabulaho na...
so 630 nga dumating na si rossann sa mcdo noveleta, at nakarating kami sa cavite city, magse-seven na, pagdating namin dun, wala na si Mia, medyo american citizen na daw kasi kaya hinatid na nila rob, naka-isang bote na sila ng red-horse, late na late na tlga kami ni rossann, kumain muna kami dun, konti lang kinain ko kasi ang messy ko kumain, tska di pako makanguya ng maayos, lalo na naku pag tumatawa ako, natalsik-talsik pa yung laway ko, kala mo bulkan akong pumupugak-pugak...
after namin kumain ni rossann, eh pahinga konti tas inuman na, gran-ma(grand matador) tas chaser ang red-horse grabe diba? ang sama ng lasa nung gran-ma, parang amuy caramel na ewan, tas masarap yung redhorse, nung nagiinuman kami, meron pa kaming mga atras powers, chempre 2 atras powers lang, naubos ni ko at ni rossann ang atras powers namin dahil ang pangit tlga ng lasa ng gran-ma tas ang bilis pa ng ikot, hiningi ko pa nga yung atras powers ni robin at alvin kaya halos 4 ang atras powers ko, pero di ko naman nagamit kasi after 3 shots ng gran-ma at kalahating baso ng red horse, eh nag-iba na rin ang citizenship ko. at yung iba eh nagaapply na rin sa ibang citizenship...
nung ibang citizen nako, tumigil nako, kailangan ko kasi umuwi ng 12, pahinga konti, suka-suka, tapos ok na, kumain nlng kami ng ice-cream at nanuod ng pbb, si dionne ang natanggal at si gie, ayun, nung 12 na, umuwi na ako, tapos, pinaplano na yung beach namin, ang dami kong beach ahh, sa tropang trese, tas yung samin nila thea, nova, mac, jame, tas sa family, wow! sana matuloy lahat bago magpasukan, hehe...
nakauwi ako mga 12-25, at natulog agad, kasi baka pagnagstay pako ng gising, sumakit pa yun paa ko. oo nga pala, masarap yung salad dun, actually hindi salad, tacos dapat siya, pero sa pagkacreative ng mga tao dun, dinurog nila yung shell tas pinaghalo-halo yung ingredients, masarap siya! tas kakaiba yung mga pulutan, grabe... ang saya kagabi... :)
Etiquetas: bakasyon grande, kaibigan, trip