
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
parang diary post.
martes, mayo 08, 2007

pagod ako ngayon, ewan ko kung makakapagkwento ako ng mahaba...
birthday ng pinsan ko sa mother side kanina so pumunta kaming manila, birthday party yun kasi 7th birthday niya... ako, mommy ko at si jonas lang, dahil si jas eh nag-iinarte pa rin dahil sa tuli niya.
pumunta kaming MOA, pra bumili ng gift, at magpareserve ng seats sa imax, dun kasi balak ng mommy ko panuurin yung spiderman. pagbaba namin ng multi-cab, naghanap kami ng makakainan, sabi ko sa rairaiken, eh hindi trip ng mommy ko food dun, and then mexicali, hindi niya pa rin trip, nakita niya yung tempura na resto, dun na kami kumain, compared to tokyo-tokyo mas masarap sa tempura, hindi kasi dry yung tonkatsu nila.
after eating, we went to imax na, so kinausap ng mommy ko yung ticket girl, and then umalis yung mommy ko ng dismaya, hindi kasi 3d yung spiderman dun, 2d lang, parang normal na sine lang, so naisipan namin, bukas nlng kami nuod ng spiderman sa SM bacoor, kasi 130 lng dun, eh sa imax, 350, tas pinalaking gagambang pabitin-bitin lang makikita mo.
so naghanap kami ng gift, pero we ended up finding clothes para sa amin, imbes na gift para dun sa birthday girl, I scored(memz! peram! :P) a short from hang-ten and a shirt from oxygen, una, ayaw ako ibili ng mommy ko ng shorts, kasi mukha daw akong bata, eh ang init-init sa pilipinas tas pagpapantalunin niya ako, kaya napilitan rin sha...
after bumili ng clothes, diretso kami national bookstore at dun na kami bibili ng gift, school supplies nlng daw, kasi yun ang pinakapraktikal, oo nga pala, chechange topic ko muna, kanina, mga 10 times akong naka-cr, grabe, para akong mei balisawsaw, and siguro yung pang third time kong sumi-ar, eh, hindi kasi ako umiihi dun sa mga nakasabit na bowl, kaya kahit mas matagal pa yung pag-aantay ko para sa cubicle kesa sa pag-ihi ko, o kaya isipin nung mga tao dun na tatae ako, tinitiis ko nlng, hindi kasi tlga ako nag-ccr sa mga nakasabit, feeling ko kasi namamanyak at nasisilipan ako. so ayun na nga, chinechek ko yung mga cubicle kung mei tao, eh yung iba red na yung handle, so it means occupied, hanggang sa nakakita ako ng green sa pinakadulo, tinulak ko unti-unti hanggang sa binigla ko na yung tulak, laking gulat ko na lang ng mei mamang nakabukaka, answering his call of nature ang biglang sumigaw ng "puta ka!(sabay sara ng pinto)," napahiya ako ng todo kaya lumabas ako ng sa loob-loob eh tumatawa, like DUH with the H in DU? sinu mas mukhang tanga samin, eh hindi niya nilolock yung pinto!
after sa national, pumunta na kami sa party sa macdonald's binondo, the party was fun, pero medyo wala akong kakilala dun kaya hindi ako masyadong nakajive, kaya hindi nalang tungkol sa party ang ikekwento ko sa inyo...
marami talagang gwapo sa binondo(good thing mei dugong binondo ako>), ultimo mga tambay mei itsura, marami kasing half, 1/4, 1/8(anu yan bigas?) chinese blood sa binondo, grabe, kaliwa't kanan, kahit san ka tumingin, kahit halatang basagulero eh gwapo, kaya lang, sumablay ata sa magaganda, kasi halos lahat(pwera angkan namin, chempre angkan ko yun eh.) ng babae dun eh parang kaladkarin, hehe... pero kahit na, i love binondo pa rin. :) dun ko nakilala si aaron eh. :)
haaay... mahaba-haba na rin pala ang nakwento ko, hehe...
Etiquetas: trip, what a journey it has been