
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
the he-bitch searches for amelie.
miércoles, abril 25, 2007

amelie yung favorite na movie ng teacher ko na si
Ms. Anne...
so, Ms. Ane being a movie addict/liable movie critic, naintriga ako sa movie na Amelie...
1:30 nung umalis ako ng bahay kasi magkikita kami nila nova sa school(ako, nova, jame), so punta akong school, nagkita kami ni nova sa cmg and diretso sa loob ng school. pag pasok namin, nagulat kami kasi hindi namin alam kung saan kami dadaan, ginagawa na kasi yung stadium, so daan kami sa parking lot, para kaming naglakad sa disyerto at sa paglakad na ito, agad akong nabasa ng pawis! no epek ang pulbos! uggh, pero keri pa rin! mabango pa rin! :)
sa taas, walang katao-tao, nakita namin si sir emboy, ms carla and ms. vidal(sa mga di makarelate, obvious naman na teachers namin sila.) so konting usap lang about sa buhay buhay... edi punta kami sa baba para hanapin si Ms. Anne.. punta kami dun sa mga nag-uupcat, at andun, nakita namin si Ms. Anne. we've been talking like forever, tungkol sa movies, college life, blogosphere and anything under the sun that we could talk about. masaya yung chat na iyun, kasi kahit medyo mukhang walang sense yung pinaguusapan, eh parang nagkakasense(intiendes? ). ayun, after a very long laughing, reminiscing and talking about some stuffs, dumating si Jame, after some few moments ehh umalis na kaming 3 papuntang McDo to have some break!
so ayun, andun na kaming tatlo, ang dami naming pinagusapan, actually dapat hanggang 530 lang dapat kami, pero sa sarap ng paguusap namin, 630 na kami nakaalis ng mcdo. we were talking about some stuffs like lovelife, dream kisses, bitchy things and mga latest buzz tungkol sa amin, mejo revelation ang eksena namin kanina at kung anu-anu ang mga pinagkekwento ko, kung interesado kayong malaman kung anu yun, im just one buzz away.(asa ka! :P) mga 630 nga, nakaalis kami, diretso SM ako para nga hanapin si Amelie.
so paglapag ng paa ko sa sm, go na sa astrovision, ang peborit store ko, para dun bumili ng Amelie, eh putsang saleslady yan, nagtanong ako..
"meron po ba kayong The adventures of Amelie something like that? its a Foreign French Movie..."
so tanung sha dun sa guy na ang kilay eh parang yung sa kwago, at hello! hindi nila chinek sa kung anu man kung meron ngang amelie, iling si mamang ang kilay eh pang kwago, at talak na tong si sungit saleslady na wala raw, jowsko! parang gusto ko sumabog! anu sila? merong mental power na memorize lahat ng stock nila na CD?
so diretso ako sa video city, tanong ako sa saleslady,
"meron po ba kayong the adventures of amelie something like that? its a foreign french movie.."
edi hanap si ate sa computer nilang medyo bulok na. at tanong sha.
"the adventures of elmo?"
like DUH, with the H in the DU, mukha ba akong 9 years old na bibili ng series ng sesame street? o mukha ba akong mei anak? o ganun na ba ako kaweird para manuod ng the adventures of Elmo? deep inside, sumasabog ako sa tawa! hahaha!
"the adventures of amelie something like that po..(hindi kasama yung something likedat sa title hindi ko kasi matandaan yung kasunod na word"
wala daw nun, so punta ako sa odyssey, tanung ulit ako.
"meron po ba kayong mga foreign films?"
"oo jan meron.."
"i mean.. french foreign films.."
*deadma gusto ko sana gumawa ng eksena at talakan yung babae. pero keri! nakakawala ng poise! :P*
so hanap ako sa mga shelf nila kung merong amelie, nung di ko na natagalan, eh tanong na ako..
"do you have the adventures of Amelie something like that?"
"ano? the adventures of amerie.."
"A-ME-LIE po.."
"ahh.. *sa cashier* meron daw ba tayong adventures of AMERIE!"
"*hininaan ko.. bitch! amelie nga!"
so hindi rin ako maintindihan nung cashier, grabe! bingi ata yung mga tao sa odyssey, epekto ata yun ng sobrang lakas na music nila sa loob, so pinasulat na lang sa akin, so search sha sa gadget niya..
"kelan to nag-show?"
"hindi ko lang po alam"
"AMELIE lang meron ehh.."
"ahh,, yun po.."
"wala kaming stock."
bumalik ako sa video city para ichek dun, pero nahiya na ako magtanong dahil baka wala eh, mabullshit nanaman ako.. 3 times na kasi ako nagtanong ng films eh wala sila nung mga films na tinanong ko! gusto ko sana sabihin na magsara na sila! hindi naman ganun ka-out of this-world yung mga films na bibilhin ko.. "Amelie," "evita" and "silence of the lambs"
hindi naman out of this world dba? so.. para hindi naman ako mapahiya, i bought one cd dun sa video city, yung "rent" musical rin sha na recommended by Ms. Anne din. so yun ang nakita ko ehh.
*so mali pala ang hinahanap ko, Amelie lang pala, hindi pala "The adventures of amelie" haha.. ewan ko ba!
*tip ko lng senyo, wag kayung bibili ng mga cd sa odyssey, video city at astrovision, pagka GABI.. naku.. nagkakatopak yung mga saleslady, nagiging masungit sila na akala mo menopause na. haay..
*so sa tagal ng paghahanap ko kay amelie eh rent ang bagsak ko.
*kilala nio naman ako, at favorite hobby ko eh walking, feeling ko kanina sa mall, nasa europe ako, with matching bilis ng lakad, yung parang laging mei hinahabol, tapos merong juice sa kamay ko, na parang lagi akong kulang ng oras para kumain, kulang nalang, shades! hahaha! ganun kasi mga tao sa europe dba? parang lagng nagmamadali, nakashades at parang sinasabay na ang pagkain sa paglalakad! :)
Etiquetas: ..., big deal, trip, what a journey it has been