
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
galit ako sayo!
lunes, junio 18, 2007

iba-iba ang personalidad ng tao, mei iba-ibang kagustuhan at iba-ibang prinsipyo...
iba-iba rin ang nagti-trigger kung pano tayo magalit, san tayo magalit or bakit tayo nagagalit.
being a such a snooty bitch, maraming akong kinagagalitan, marami rin akong kinaiinsisan... and as many says, perfectionist daw ako, I hate failures, gusto sa lahat ng ginagawa ko, lagi akong panalo, pero kung matalo, wala nakong magagawa, yun na yung nangyare eh, respetuhin na lang, ganun ako kaparadoxical.
Ilang beses na rin ako nagalit at nainis, minsan sa mababaw na dahilan at minsan sobrang bigat at makakapatay ako, andiyan ang pagkamatay ko sa ragnarok, grabe, inis-na-inis ako pag nangyayari yun, halos ibato ko ang computer, nagagalit naman ako, pag-pinoprovoke(chempre) ako o kaya naman, tinatapakan yung pagkatao ko. ayoko kasing minamaliit ako, pero gusto kong nachachallenge...
pag ako nachachallenge, i'll do my best para mapatunayan dun sa nagchallenge sa akin na karapat-dapat akong magwagi. andiyan ang play namin nung junior year, nagkaroon kasi kami ng play sa social studies, kailangan related sa world history, ang napili naming play eh titanic, ewan ko ba kung anung relasyon nun sa world history, pero basta, inaaccept yun ng teacher, edi ayan, play na, talagang binigay namin ng groupmates ko ang kaya namin ibigay, todo props at everything, pero pumalpak kami sa isang concept, nirecord namin yung boses nung mga artista, pinagpaalam namin yun sa teacher sabi niya ok lang daw pero nung awardings na, siyet, talagang pinoint-out niya samin na mali daw yun, at we got a fuckkin grade of 81%!!! at walang nomination sa awards yun ah, pero yung ibang walang kwentang plays meron at matataas ang nakuha, kaya nga pala namin nirecord yung play dahil kulang sa gamit ang school namin, 2 lng ata ang mic, so ginawa namin, nirecord nmin para rinig ng lahat. at dahil diyan sa experience na iyan, eh ayan, produkto ang modernong maria clara.
ganun naman ata talaga ang tao pagnachachallenge, ginagawa lahat, ego na kasi ang alanganin, naku, ma-ego pa naman ako..
pag galit ako o kaya naman inis, madalas akong magtrash talk, hindi ako namamlastik dahil nun lang lumabas ang baho mo sakin, hindi, ginago moko, di gaguhin rin kita, pero sbi nga ni thea, sa isang conflict, parehong partido ang nagkamali hindi lang isa. pag galit rin ako, pwede akong makapatay, o kung importante o gusto ko pa maretain yung friendship namin nung tao, time will heal the wounds, minsan sumusulat na lang ako tas susunugin ko sa jar of despair ko, dun lahat ng hinanakit ko nasunug para wala na.
iba pag friend ko ang kagalit ko, ilang beses na rin kami nag-away ni thea, ilang beses na rin niya ako pinaiyak! pero never let a fight go on before the sun goes down ang motto ko pag friend na ang kaaway, kaya ayun, sa huli, after all the dramas eh nagkakabati rin kami. kaya gento na kami kaclose ngayon. :)
iba naman pag ayaw ko sayo, pag ayaw ko sayo, ayaw ko syao tapos! hindi ako galit, hindi ako inis basta ayaw ko sayo, kasi baka marami kang qualities na ayaw ko, ang rude ko noh? pero im not telling the person to change, kasi baka mamaya ako lang pala nakakakita nun, basta ang alam ko ayaw ko sa kanya, tapos, walang sorry-sorry para kausapin ko siya ulit or watsoever, basta ayaw ko syao, yun na yun. gets niyo ba? :)
ikaw? anung ikinagagalit mo? at pano ka magalit?
Etiquetas: kabaliwan- buhay, normal na araw