
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
reklamall
domingo, junio 03, 2007

** kaya ang naman ako tinatamad magblog dahil mabagal ang internet, pero ngayon, ok na siya, kailangan ko magsalita ng aking nararamdaman kaya i'll blog na rin.
parang sa lahat ng tao napakanecessary ng mall, sa modernong panahon ngayon, parang hindi mabubuhay ang mga tao kung walang mall, mapamahirap, mayaman, mabantot, mabango, matangkad, unano, mahaba ang buhok sa ilong, bakla, tomboy, mei anghit at kung anu-anu pa! makikita mo yan sa mall, ngunit sa halos twice a week kong pagmomall na kahit wala naman akong binibili, eh marami akong kapintasan na nakikita, hindi sa laitero ako, natural lang siguro na lahat mei kapintasan at nakita ko ang kapintasan ng mga mall.
narinig mo na ba ang song na pinakafavorite ko sa lahat? ang... "we've got it all for you," yung kinakanta pagmagbubukas na yung mall o magsasara na, naku! pagnagmomall kami ng gabi ng family eh ang lakas na ng kabog ng dibdib ko pagkinakanta na yung "we've got it all for you" kasi feel ko any moment eh didilim na at sasara na ang mall, totoo! hanggang naun takot pa rin ako pag kinakanta yung song na yun sa gabi.
nasa music na rin lang tayo eh why not reklamuhan na rin ang music ng ilang stores? andiyan ang mga stores na pangrocker! naku! talagng di mo nanaisin na pumasok sa mga store na ganun, eh yung volume ata ng radio nila eh nasa 20000000 na sa lakas at ang music eh yung mga lyrics eh puro "whoooooooooo," "waaaaaaa," "yeaaaah" at "rakenrol!" hindi mo talaga nanaisin pumasok sa mga ganun... andiyan rin ang mga store na pang teens, yung mga music nila yung mga tipong techno, yung mga any moment eh baka sapian ka ng model at rumampa ka ng sukat-sukat ang damit na type mo, andiyan rin ang mga shops na pacute, yung mga pang-girl lang, at ang mga music eh kailangan nasa uso, katulad ng mga kanta nila jessica simpson, paris hilton at kung sino-sino pang teen icon ngayon na karaniwang babae lang ang sumasamba, last but not the least, eh yung mga stores na pang-party, mga damit nila pamparty, at shempre ang music, yung katulad ng mga sinasayaw sa JS prom, yung tipong, "Im feeling so happeeeeee!! i wanna be happpyyyy!" na pwedeng kang magparty sa loob ng dressing room, or why not makipag party sa mga saleslady dun...
speaking of saleslady, kailangan sa isang shop ang maraming saleslady, para maassist yung mga customers, naku! kaya minsan ayoko na magsukat ng damit at bumili dahil diyan sa mga saleslady na yan, beh kasusunget! kala mo menopause na! at chikahan pa ng chikahan at landian pa ng landian at kung hindi mo pa lapitan eh hindi ka nila pagsisilbihan, meron rin namang ilang saleslady na friendly, yung mga saleslady ng mga paluging stores dahil walang nabili, at yung mga saleslady na per piece ang sweldo nila, try niyu pumasok sa store na di matao, tignan niyo't maguunahan at magaagawan pa yung mga saleslady sa inyo.
sa mga klase ng taong nabanggit ko sa itaas, mei kanya-kanyang istayl yan ng pananamit, andiyan ang mga pahip-hop o kung feeling mo sosyalista ka at trip mo tlgang laitin yung mga pahip-hop, ang tawag mo sa kanila eh hip-hop kalye, yung mga feeling nila hip-hop sila pero ang kilala lang nila eh ang salbakuta at take note, malalaman niyong pahiphop/hip-hop kalye ang isang tao kung ang size nila eh small pero ang t-shirt nila eh large, yung tipong mukha silang tarsier sa liit pero yung t-shirt nila pang-elepante, isa pa, meron silang bling-bling na halatang pwet lang ng baso, at last, sila yung kung maglakad eh kala mo sa kanila yung daan sa haba ng kamay at lakas ng pagsway ng kamay at lahat ng tao eh nahahawi na...
andiyan rin ang mga fashionistang color coordinated, yung mga pink ang tshirt, pants, watch, bracelet, hikaw, blush-on, shoes, panty at bra, jowsko! madalas ka pang makakakita ng tropang rainbow colors, yung tipong kumpleto ang ROYGBIV na kulay dahil lahat sila terno-terno, pareho sila mag-isip nagkaiba lang sa kulay, ganun naman ata talaga pagmagkakatropa, kami nga nila thea at nova, once nagmall kami, napashet ako dhil lahat kami nakabrown pero hindi namin pinaguusapan iyon, at once kaming apat, ako, thea, nova at mamat, nagmall, lahat kami nakashorts at havaianas, pero di namin pinaguusapan, ang galing!
color rin lang ang pinaguusapan, meron ring mga fashionista na iba ibang kulay ang damit, andiyan si blue shirt-camouflage pants combination, buti na lang at di sila napagkakamalang NPA, andiyan sila green shirt - red pants, try niyo tong color na ito at tignan natin kung hindi kayo lapitan ng mga bata at kantahan ng jinggalbel at "ang ambabarat ninyo song" kung di niyo sila bigyan, andiyan rin ang green shirt- brown pants combination, pag gento color combination niyo, try niyo pumasok sa home at let's see ulit kung di kayo sabitan ng mga artificial fruits.
andiyan din yung mga pasosyal na bitch, sila yung mga divisoria ang pupuntahan pero aba! parang hinalukay talaga ang closet at piniga ang fashionista juices at nagmukhang-overdressed, malamang sila yung mga galing sa hirap eh, yung mga from stones to gold, di marunong bumalik sa pinanggalingang divisoria at nanlaiet pa, feeling mataas, di niya alam sa tinging ng iba, over-dressed siya. eheheh...
last kong tatalakayin yung mga restaurants, naranasan mo na ba yung kumain sa isang restaurant na sabi nila 15 minutes daw ang order pero 50 minutes na wala pa rin, madalas kasi ganun eh, yung kailangan mo pa ipafollow-up yung order para lang maibigay sayo ng ayos, at minsan kung maangasan pa sa iyo yung pinagpafollow-upan mo eh duduraan o bababuyin yung order mo, ewan ko kung naduraan o nababoy na yung food namin, mami ko kasi eh, ang sungit pag palpak service ng isang kainan, manager kasi ng jolibee...
marami pang aberya sa mall, pero next post na siguro iyon at mahaba na rin ito... :)
Etiquetas: big deal, kabaliwan- buhay