
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
ang kwento ni talakerang kapitbahay at ang nawawalang sampayan
jueves, mayo 10, 2007

lumabas ako sa amin at tumambad sa akin ang umaatikabong bibig ni talakerang kapitbahay na putak ng putak dahil nawawala daw ang kanyang pinakamamahal na sampayan, pamana daw ito ng kanyang lola kaya mahal na mahal niya ito...
papunta ako sa aking dentista upang magpakabit na ng braces, pagkatapos ng ilang oras, nakabit na niya ang mga bakal sa aking sungki-sungking ngipin, lumakad ako pauwi sa amin dahil kulang ang pamasaheng binigay ng nanay ko, masaya ako sa pagkakabit ng braces, at sa tingin ko bagay naman ang bakal at gray na kulay nito.
halos trenta minutos din akong naglalakad pauwi, at pagbalik ko sa amin, nakita ko na lang na pinuputakan ni talakerang kapitbahay ang aking nanay, sinisisi niya ito sa pagkawala ng kanyang sampayan, nakita niya daw bukas ang pinto namin kagabi habang mei aninong pumasok daw sa kanilang bakuran, sa loob-loob ko, bakit hindi niya sinigawan ang anino?
pagdating ko sa kahel naming gate, dumiretso na lang ako sa loob ng aming bahay para hindi na ako madamay sa pagtatalak ni talakerang kapitbahay, unti-unti ng sumasakit ang aking ipin, para bang kinocompress siya ng kung anung materyal, ngunit napagtiyatiyagaan ko pa naman ito, hindi rin ako makakain ng maayos dahil sumasabit sabit ang kanin-kanin sa ipin ko dahil hindi ko ito manguya ng pino.
nung hapon, naramdaman kong ok na ang ipin ko, pumunta kami sa aming pampamilyang mananahi para upang kunin na ang susuutin ko sa sagala, ako ang partner ni reyna hustisya kaya kailangan maganda tlga ang susuutin ko. pagdating namin doon, agad na pansin ng mananahi ang aking malabakal na ngipen, nagandahan siya dito at sinabing bagay daw ito sa akin, at dito, napatunayan na bagay nga sa akin ang braces na ito.
nung gumabi, pinapila na kami upang sumagal sa buong barangay, ayoko talga nito dahil kakakabit lang ng braces ko at palalakarin lang kami, ngunit sadyang mapilit ang mga taong bayan at gusto talaga nila akong makita sa sagala. naglalakad kami ni reyna hustisya at todo ngiti ng biglang mei babaeng sumabunot sa akin... si talakerang kapitbahay, ipinuputak na naman ang kanyang nawawalang sampayan, nakita na raw niya ito...
pinangiti ako ni talakerang kapitbahay,
"ito ba ang gusto niyong ipartner dito? sampayan lang ninanakaw pa.."
shempre hindi ako papatalo,
"hindi po ito ang sampayan niyo,"
"aba, sumasagot ka pa! nilagyan mo lang yan ng gomang kulay gray para di ko mapansin eh! susmiyo! makakarating ito sa baranggay captain!"
"naku! hwag na po! dahil hindi po talaga ito ang sampyan niyo, braces ho ito!"
"bahala ka diyan!"
biglang mei chismosang pakialamera ang sumingit..
"braces nga naman yan!"
at tumugon lahat ng tao..
"oo! braces yan!"
napahiya si talakerang kapitbahay at itinuloy ang sagala... :)
***
lahat ng isinaad sa kwentong ito ay pawang di-katotohanan, ginawa ko ito for information purposes, anung information iyon? MAY BRACES NA AKO!
hindi pa siya tapos kasi medyo sariwa pa yung sugat sa inoperahn ko, ikakabit yun pag ok na... medyo masakit siya, pero pano pa kaya kung kinabit na yung sa mga pinakadulong ipin? :) di rin ako makakain ng maayos.
Etiquetas: kabaliwan- buhay, proyekto-tapos, Update