
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
Maglaro tayo!
domingo, junio 24, 2007

yehey! as of now. compared sa past few days! im much normal and ok! pero nagtatae pa rin ako! :P sa mga nagdasal para sa akin! maraming salamat po! kung anong makukuha niyo sa natatanging niyong pagdarasal? eto po ako!!! buhay at mangungulit!! :p sa mga nagdasal ngunit ang kanyang pinagdasal ay taliwas sa gusto kong mangyari... sorry kayo! masamang damo ako at mahirap mamatay! belat! :P
**
at dahil ako ay namumuhay ng normal, hindi kami mayaman at hindi kami ganon kahirap, masasabi kong napagdaanan ko ang aking pagkabata to the maximum level. walang bumabalakid sakin kung gusto ko maglaro at kung mei gusto akong laruan, eh ayus lang rin naman sa mga magulang ko na ibili ako nuon, kaya masaya talaga ang aking pagkabata.
natatandaan ko pa nuon, ang pagkaadik ko ata sa havaianas ngayon eh natumbasan ng pagkaadik ko sa play-doh nuon. ang dami-dami kong set na play-doh. meron akong siguro 30 tubes nun na kasing laki ng baso ng mcdo, iba iba kulay, tapos dba pag set yung kunwari medical set, kitchen set. mei 3 sets ako nuon, ang farm set, kung saan hindi ako makagawa ng perfect na puno. ang pizza set, at naeenjoy ko talaga ang pang-hati ng pizza nuon at ang mcdonalds set, nagmamacdo-mcdoanan pa ako nuon as in with the "good morning ma'm/sir welcome to mcdonalds how may i help you" pa ako, eh magisa lang naman ako. madalas akong maglaro nuon mag-isa sa manila, kasi duon ako nagbabakasyon, kung nasan ang tita ko na spoiled tlga ako not until magkaanak siya, 2 ata sa play-doh set ko eh siya ang bumili. so, yun nga mag-isa lang akong naglalaro ng play-doh ko, kasi yung 2 pa lang yung pinsan ko nuon na nasa edad ko at wala pa akong kapatid na makakalaro ko, baby pa si jas, yung isa mas matanda sa akin, lalaki siya, mga laruan niya nuon ay mga lego-lego, eh sumasakit yung kamay ko pag naglalaro ako ng lego, kaya d nalang, at isa pa yung babae, mas bata naman sakin, eh puro barbie naman ang toys, hindi naman ako gay noh! at isa pa ko sa mga pinsan kong pumuputol sa ulo ng barbie niya. kaya ayun. mag-isa lang akong nalalagyan ng ibat-ibang kulay ang dulo ng kuko pagtapos maglaro.
nung medyo nagmature na ako at umaariba ang pokemon sa tv, lumevel-up rin ang gusto ko sa laruan, andiyan ang pokemon cards na uso sa mga pinsan ko at sa school, dito hindi na nagdamot ang mga parents ko, 8 decks ako nuon, tig-apat sila ng tita ko, eh pag bumibili ka ng deck i think mei 40 cards sa isa, imagine? mei 320 pokemon cards ako nuon, meron akong fire deck, grass deck at kung anu anu pang deck, unbeatable ang fire deck ko, kaya lang, jasper being so juvenile, pinaghalo-halo lahat ng cards ko hanggang sa nawala lahat, ewan ko kung saan na punta, i remember pa nga, nagsisigawan kami ng tita ko kasi ginalaw ni jas yung cards ko, eh isang tupperware yun. :)
hindi rin naman ako nagkulang sa elektroniks, nagkaroon rin ako ng gameboy color, advance, sp, psp, ngunit lahat, sinira ng magagaling kong kapatid...
pero kung paglalaro lang rin ang paguusapan, wala ng tatalo sa larong kalye. dun ko ata nakuha yung leadership qualities ko eh, kasi agi kaming nananalo dito sa brgy namin, dati pa yun, nung mga 7-10 yrs old pa ako, kasundo ko pa yung mga bata.
number one na nilalaro namin eh tumbang preso, pagnilalaro nmin toh namamaos ako, kasi di naman ako bumabato ng tsinelas, ayus na sa akin na buong game namin hanggang matapos siya yung taya, kaya ayun, mukha akong tuleg doon na sigaw-sigaw lang giving orders as if im the general kahit d naman kailangan ng leaders sa tumbang preso eh nilagyan ko pa rin. at take note, nakikisigaw ako ng "ayawan na! sinong burog? edi si *name ng taya*" eh d naman ako bumabato ng tsinelas. :P
isa pang gustong kong laro eh yung luksong baka, nabiyak kasi yung dila ko nuon eh, pagtalon ko sumubsob ako at nakagat ko dila ko. para tuloy akong lumaway ng dugong pumapasok sa aming bahay.
aba, andiyan rin ang chinese garter, magaling akong magchinese garter, lagi akong pinagaagawan pagka yung pilian ang pinaguusapan, magaling ako sa mga talon-an na games noh! lagi kaming winner pag ako tumalon na! hehe...
pero ang pinaka-gusto kong laro, eh yung RPG, yung kunwa-kunwarian, nagiging ako yung gusto ko maging ako kasi pag kunwarian na. lagi akong si fire man. mei wand pa ako na nagsusummon ng fire. at pag power rangers naman ang ginagaya, ako lagi si red. leader talaga ako! naalala ko dati, ang lakas ng sigaw ko ng aray dahil nahulog ako sa upuan nung ginagaya ko ang prinsipe sa "starla and the jewel riders" nagkacast ako sa kamay ng ilang linggo nung noh! ilan pa sa ginagaya ko ay si tuxedo mask ng sailormoon at si yaiba! :)
nung nasa school na ako, ang dami ko ng larong natutunan pa, andyan ang taya sa bilog na nageend-up ng mga pasa at sugat dahil sa tulakan, hinihika ako pag nilalaro yun, lagi kasi kami nakasigaw! hanggang ngayon nilalaro pa din namin yon eh! at mas brutal! kulang na lang magpatayan na kami sa kakatulak wag lang mataya, at strategic pa, traydoran kung traydoran, itutulak mo na ang kalaban mo para di ka na nila mataya.
pero ang pinakamasaya kong nilalaro sa school eh yung shagiddy-shagiddy-sha-popo. pag yun nilalaro namin warla kung warla! madalas pang ako ang una nun! talagang headbang kung headbang at magwawala kung magwawala, sa mga hindi nakakaalam kung pano yung shagiddy-shagiddy-sha-popo eh para lang shang algorithm march. kunwari mei 3 players, si 1 mei gagawin na series of actions, si 2 gagayahin ang ginagawa ni 1 at si three gagayahin lahat ng gagawin ni 2 hanggang sa mapagod kayong lahat, kahit ilang players ayus lang. yes, walang sense ang ginagawa niyo dahil walang mananalo, nakakatawa lang tignan ang mga kasama niyo na mukha ring tanga, pero nilalagyan ng twist yan, para lahat gagalaw, ang unang magkamali ay mei truth or consequence, kaya ayun! masaya kasi lahat kayo mukhang tanga!
masarap balikan ang mga games na nilalaro mo nuong araw, minsan na lang ako maglaro ng mga yan, puro ragnarok na lang ako. sana, makalaro ulit ako ng shagiddy-shagiddy-sha-popo at makita ko na trading cards ko. sino pwede makalaro ng shagiddy-shagiddy-sha-popo jan? :)
Etiquetas: big deal, kabaliwan- buhay, tawa magdamag., trip