
Ang lahat ng lalabas sa blog na ito, ay akin, ngunit kong may isinaad akong pinagkuhanan ng inpormasyon ay marahil kanila yoon.
minsan ay mayroon ding mga salitang hindi naangkop sa mga bata, kaya ang gabay ng magulang ay kinakailangan din.
hindi ko kailangan mag-adjust kung nababstusan kayo sa akin, dahil wala akong pakialam sa mga nababastusan o kung kahit sinong may bayolenteng reaksyon tungkol sa akin.
malugod akong nagpapasalamat at binigyan mong oras na basahin ang kawalanghiyaang mga isinassad dito.
nagbasa ka na rin lang, ay lulubos-lubosin ko na, gamitin ang comments sa ilalim ng araw ng titulo ng isang blog entry kung ikaw ay may nais ikomento tungkol sa isang post,
gamitin ang tagboard sa pagbati at hindi sa pagkomento ng isang post, maraming-maraming salamat po, nawa'y ikaw'y masiyahan sa pakikialam sa aking
magulo, antipatiko ngunit masayang buhay.
boto mo ipatrol mo!
martes, mayo 29, 2007

tapos na ang ms. universe!
sa kasamaang palad, ang ating pambato ay hindi nakapasok sa top15 ngunit nakapaguwi naman ng award... ang ms photogenic, na sa pagkakaexplain ng host eh pinagbotobotohan ng mga tao all over the world!
sino nagsasabing ang pilipinas ay naghihirap na?
sa tingin ko hindi naman, bat nakakaboto pa rin ang mga pilipino sa mga contest na kailangan bumoto, idag-dag pa diyan ang pagtatry nilang sumali sa mga gameshows na mei electronic raffle pa! o dba? sosyal!
sa mga contest na kagaya ng ms. universe, napapatunayan ng mga pinoy na makabayan tayo, aber, 2 straight years ba naman nating maiuwi ang pagka-ms. photogenic na kailangan ng pagboboto eh, ang hindi ko lang malaan, kung photogenic ba talaga ang mga pinoy o sadyang, handa tayong magbenta ng kalabaw at baboy, maiboto lang ang pambato nating contestant. sa pagkamakabayan natin, siguro nga kung mei international contest nga lang na paramihan ng pagkain ng butong pakwan at kailangan rin ng "mr. popularity" eh handang magbuwis ng libo-libo manalo lang ang pilipinas, dba? nationalistic talaga! :P
uy! unti-unti na ring gumagaling ang mga pinoy sa pagpili ng mga mananalo kung text ang pagbabasehan, tignan niyo na lang ang pinoy dream academy, magaling ang pagpili ng mga pinoy kay yeng, buti at hindi nila pinili ang mas maganda/gwapo pa kay yeng, at tignan niyo rin ang philippine idol, hindi rin nagkamali ang mga pinoy sa pagpili kay mau marcelo, madalas kutyain ang mga maiitim sa ating bansa ngunit nanalo pa rin si mau, talaga namang nagbago na rin ang panlasa ng mga pinoy! hindi na tayo tumitingin sa panlabas na kaanyuan ah!
siguro nga, photogenic ang ating mga pambato, dahil nagiimprove na ang panlasa natin pagdating sa botohan, sana rin, maiapply natin ito sa eleksyon, sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bansa, teka-teka, ayoko na nga'ng pulitika ang pagusapan, mashadong maintriga, hehehe...(Pis! :P) :P
Etiquetas: kabaliwan- buhay
Direk Ten para sa pagkapanggulo!
lunes, mayo 28, 2007

patapos na rin ang bilangan ng kakatapos pa lang nating eleksyon at magtatanghal na ulit tayo ng bagong set ng mga senador, ngunit wala itong kinalaman sa gusto kong ipost dahil ayoko maging senador, gusto ko maging presidente ng pilipinas.
30 years from now, 46 years old na ako, tapos na siguro ako ng advertising sa University of Canada, nanalo nako ng ilang awards dahil sa pagdidirek ko ng mga movies at pinagtataluhan na rin ng mga namumuno kung nararapat ipatong ang pagiging "national artist for film" sa aking mga malakas pa ring balikat, kilala ako sa pagiging fearless sa aking opinyon at ang natatanging congressman na direktor/advertiser/events manager/PLU. napatv na rin ako ng makailang beses dahil sa pag taas ko ng mga law tungkol sa mga homosexual, isa diyan ay ang law na nagbibigay ng karapatan sa pag-ihi ng mga transverstite sa gusto nilang pasukan na cr, ang mga cross-dresser na bading ay napayagang mag-cr sa pambabaeng palikuran, at ang mga crossdresser na tomboy ay pwede na ring mag-cr sa pang-lalakeng cr. marami ring nagalit dito dahil maraming nabalita na sila ay nasilipan, ngunit hindi ko na problema iyon.
30 years from now, nanunuod ka ng iyong tv, nagulat ka ng makita mo ang aking mukha na nakangiti at nakahugis-T ang aking kamay(yung nakapatong yung isa mong kamay sa isa mo pang kamay para magmukhang-T), hindi ka na nagulat ng bigla kong sabihin na, "panahon na para magbago, isulong ang karapatan mo, direk justin para sa pagkapangulo." maraming nagtaas ng kilay, ngunit totoo po ang kanilang narinig, ako po ay tatakbo sa pagkapresidente upang baguhin ang pagiging 3rd world country natin.
totoong maraming nagulat at nanghusga, ngunit hindi ako katulad ng ibang artista na pagnalaos eh pagpupulitika ang guguluhin, sorry ka! ngunit sikat pa ako! at nawa'y magamit ko ito upang manalo ako sa pwestong dapat ay para sa akin.
Sinong kandidato ang walang plataporma? iharap niyo sa akin, at paalisin niyo na ulit, gusto ko lang siya makilala, wala naman akong pakialam sa kanya kung wala siyang plataporma. hayaan niyong ihayad ko ang aking plano upang patunguhin ang pilipinas sa pagkakaunlad.
1. ang mga pink na sign ng MMDA ay ipababago ko, tatawagin ko lahat ng mga bohemian sa buong pilipinas upang pinturahan ang mga sign sa mga kalye natin, sasabihin ko sa kanila na kanila ang sign na iyon, i-express nila ang gusto nila iexpress, kaya wag kang magugulat kung sa susunod na makita mo ang kntrobersyal na sign na "bawal tumawid nakamamatay" ay mei drowing na ng mukha ni rizal. sa paraang ito, nabibigyang halaga ang mga artist sa pilipinas at nabibigyan sila ng pagkakataong ipakita ang kanilang tunay na talento.
2. bibigyan ko ng color code ang mga skwater, kuing sabihin ko na lahat ng skwater sa pasay ay dapat ang bahay eh kulay green, dapat sundin nila, kung hindi, mapipilitan akong palayasin sila, at kung mei aapila na sa kanya daw ang lupang iyon, bibilhin na iyon ng gobyerno para sa mga skwater, basta sila bahala sa materyales ng bahay nila, ako na nga sa lupa, ako pa sa materyales? anu sila sinuswerte?
3. ibabann ko ang mga bold movies. dahil gusto kong lahat ng movies ay ipapanuod sa bawat pilipino, ito ay bunga ng ginawa ng mtrcb sa akin dati, hindi ko napanuod ang "da vinci code" dahil r-18 ito. gusto kong ipapanuod ang mga ganitong klaseng movies sa lahat upang hangga't maaga ay naiimporma na sila sa mga bagay-bagay at hindi sila nagmumukhang tanga. kaya ibabann ko ang bold, para walang lusot na ipapanuod ang mga magandang klaseng movies ng mga magulang sa kanilang anak.
4. magpapasa ako ng batas na nagsasabing ang mga nurses, teachers, caregivers and the likes ay dapat may 10-year experience sa pilipinas upang makalabas ng bansa, hindi nila pwedeng idahilan ang kulang ang mga ospital/eskwelahan/centers dito sa pilipinas dahil ito ay hindi totoo, maraming eskwelahan ang walang teachers, at lalong maraming ospital na nagkukulang sa nurses. kung wala kayong mahanap sa siyudad, eh try niyo sa probinsya, ang laking tulong nito sa mga kapwa pinoy.
ipagbabawal ko rin pag-aralin ng nursing ang mga doktor na, kung doktor na sila, hindi na sila pwedeng bumalik sa pagkanurse.
5. ang mga bus ay babawasan na, magkakaroon lamang ng 100 na bus/jeep sa isang probinsya, kunwari, 100 bus/jeep sa manila, at 100 bus/jeep sa cavite, so on... kung late ka, late ka dahil may oras na ang mga bus.! kasalanan mo yon, ibabase natin ito kung paano magcommute ang mga nasa abroad, sa paraang ito, mababawasan ang polusyon at ang trapik. wag magaalala, dahil ang mga driver na nawalan ng bus ay gagawing kondoktor, o kaya naman ay tiga linis ng bus, oo nga pala, ang isang bus ay may 5 trabaho na, driver, kondkotor, tiga-linis, tour-guide at yung tindero, hindi nila kailangan na nakatapos ng kurso, basta alam nila ang pasikot-sikot sa daan na kanilang tatahakin.
6. ang mga kongresista/senador o kahit anu mang politiko ay hindi na irerequire na magsuot ng magagarang damit tuwing nagmimiting, basta kaaya-aya sa paningin ay ayos na.
7. magpapamigay ng mga libreng condom, 5 bawat bahay, para ang pre-marital sex ay masasabing ayus na rin, hahayaan ko na ang mga magulang na gumabay sa kanilang mga anak, at sa pamimigay ng condom, maisasakatuparan ang family planning ng hindi gumagastos.
iilan lamang iyan sa aking plataporma, at yung iba, hindi ko muna iisipin, dahil 2007 pa lang, sa 2037 na. pero kung bibigyan nga ako ng permiso maging presidente, why not? :P
Etiquetas: big deal, kabaliwan- buhay, normal na araw
P****! G*** Ka!
domingo, mayo 27, 2007

sa loob ng jeep sa gitna ng trapik:
Driver: anu ba yan, mei ginagawa na namang kalye, trapik tuloy.
pasahero: Putang yan! ginagawa yan bago pa mag gagong eleksyon yan, tapos hanggang ngayon ginagawa pa rin yang putang kalyeng yan.sa recto:
babae: puta ka! ipagpapalit moko, sa isang putang mas pangit pa sakin! anung klaseng kaputahan yan?
lalake: eh puta! wala ngang bastusan! wag ka ngang mang-gago!sa isang tindahan:
tindera: ale ale! kulang po ang bayad niyo. 30 na po ang bigas na binibili niyo dati.
namimili: putang-inang yan! tumaas na naman ang bilihin? kelan ba bababa ang tang-inang mga bilihin yan! putang buhay to oh! leche!sa isang mall:
lalake: damn it! this atm seems not to work! (papaluin ang atm) yer a shit! dont go bitchin! i really need money!! go shit some money! (wala pa ring nilabas ang atm) this is SHIT! sa harap ng computer:
lalake: putsa yan! namatay na naman yang tangang dante na yan, amputa! d nako pinalevel! putsa! magnana99 na nga eh! ayaw ako palevelin ng mga putang gm na yan!mukhang kasama na sa kultura ng mga pilipino ang pagmumura...
para bang hindi mabubuhay ang mga pinoy pag hindi nakapagmura ng isang araw...
parang ang mga murang ito ay nagsisilbing hangin na pag tinigilan nating ihinga eh mamamatay tayo...
ako oo, nagmumura ako, araw-araw pa ata, alam niyo kung bakit? dahil sa kababawan ko, dahil namatay ang character ko sa ragnarok!
kahitg gaano kababaw pa ito, basta nainis ang mga pinoy, kahit gaano pa siya ka-kalye, gaano kasophisticated, kahit gaano pa kasosyal yan, mapapamura yan, hindi na mahalaga kung anung lengguahe, kahit ingles, tagalog, german, dutsch, spanish, o bisaya, basta maihayag ang nararamdaman...
yun ang punto ko! para sa akin, hindi masamag magmura, kung yun ang nararamdaman mo eh, ineexpress mo lang ang nararamdaman mo, besides, we have a democratic country, pwedeng pwede mo iexpress ang sarili mo...
pero minsan naiinis rin ako sa mga nagmumura, lalo na kung putang-ina yung mura at sumosobra, kasi nanay na yung tinitira dun eh, kaya putsa! pag ako minura ng putang-ina! gera na kung gera! sabihan mo na ako ng gago ako, wag lang tlga yung putang ina...
Etiquetas: big deal, kabaliwan- buhay, normal na araw
Ya Lo Vez..
viernes, mayo 25, 2007
